News

Published on December 4th, 2016 | by NAC Youth

0

Boat Cruise Experience

Noong nakaraang Disyembre 4, 2016, ang mga kabataan ng Bagong Simbahang Apostoliko ng Makati ay nagpunta sa Mall of Asia para sa boat cruise. Pagtungtong ng 7:30 ng gabi, ang mga kabataan ay nagkita‐kita sa nasabing lugar at nag‐umpisa na ang kanilang magandang karanasan. Kasama ng mga kabataan si Kimberly, isang panauhin na galing sa Canada. Kasama din sa boat cruise sila District Apostle Hebiesen at Sister Lucienne.

Noong nasa barko na ang mga kabataan, ang lahat ay nagkasiyahan. Ang bawat isa ay may kanya‐kanyang pinagkakaabalahan . Ang iba ay nag‐“sight‐seeing” at nagkukwentuhan, samantalang ang iba ay kumukuha ng mga litrato. Ang lahat ay natuwa sa pagsulyap sa mga gusaling nagkikislapan dahil sa mga christmas lights na nakakabit sa mga iyon, sumisimbulo na papalapit na ang kapaskuhan.

Naging makabuluhan ang mga pangyayari noong araw na iyon dahil nagkasama‐sama muli ang mga kabataan, pati na ang ibang miyembro ng simbahan kabilang na ang District Apostle. Iyon ay isang araw na hindi malilimutan ng bawat isa. Halos isa’t kalahating oras din ang itinagal ng cruise. Salamat sa karanasan na ito at ang lahat ay sobrang nasiyahan. Lagi naming inaabangan ang mga susunod na hindi malilimutang kaganapan.


About the Author



Back to Top ↑
  • Follow Us!